407th founding anniversary ng Mabitac, ipinagdiwang

0
244

Mabitac, Laguna. Ipinagdiwang and ika- 407 founding anniversary ng bayang ito sa isang selebrasyon na nagsimula noong Enero 2 hanggang 6.

Pinangunahan ni Mabitac Mayor Alberto Reyes at ng mga miyembro Sangguniang Bayan ang kaganapan na may temang “Kapaskuhan ng Tatlong Hari’ bagaman umuulan at bumabaha.

Kabilang sa mga programa ng Three Kings Festival 2023 ang  The King Concert, Kalamay cooking contest, Loding Lolo at Lola Talent show, Mayor’s Night, Street dancing, Ginoo at Binibining Mabitac, Himno ng Kabataan, at ang inaabangan na tradisyunal na Pasabog Paskuhan 2023.

Ayon kay Mayor Reyes, sinikap niyang maging higit na makulay at masaya ang Three Kings Festival 2023 matapos dalawang taon na hindi ito naipagdiwang sanhi ng pandemya.

Ayon pa rin sa kwento ni Reyes, nagsimula ang tradisyon ng Pasabog Paskuhan sa bayan ng Mabitac noong 1935. Ang kauna-unahang naging kabisilya, ayon sa kanya ay ang kanyang lola na si Josefa Castro Sala.

Pinasalamatan ni Reyes ang mga tumulong sa pagtataguyod ng Pasabog Paskuhan 2023 partikular ang buong Sangguniang Bayan sa pangunguna Vice Mayor Ronald Sana, dating municipal councilor ng Sta.Maria, Laguna na si Jayson Cuento, at ang mga panauhing pandangal na mula sa TGP Partylist Representative na si Jose “Bong”Teves Jr. 

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.