Calamba City, Laguna. Idineklarang ‘drug cleared’ ng Dangerous Drugs Board ang 441 na barangay mula sa kabuuang 681 na barangay sa lalawigan ng Laguna.
Ayon sa rekord ng PNP-Barangay Drug Clearing Operations Data, ang nasabing bilang ay naitala mula sa dalawang siyudad ng Biñan at Sta. Rosa na may 24 at 18, ayon sa pagkakasunod; at 100-percent ng “drug cleared”.
Sa Class B category, sa bayan ng Nagcarlan ay 52 barangays ang idineklarang drug cleared.
Ang iba pang kategorya sa ilalim ng Class C, ay ang mga bayan ng Cavinti (19); Kalayaan (3), Liliw (33), Luisiana (23), Magdalena (24), Paete (9), Pila (17), Rizal (11) at Sta. Maria (25) na 100 percent na idineklarang drug free.
Ang first class cities ng San Pedro ay may 26 sa 27 barangays, San Pablo (36); Calamba (20), at Cabuyao (2) ang idineklara ring drug free.
Ang munisipalidad ng Pagsanjan (4), Siniloan (4), Bay (3), Alaminos (6), Famy (9), Lumban (2), Mabitac (6), Majayjay (35), Pakil (6), Pangil (6) at Victoria (6) na may kabuuang 441 barangays, at 64.39 percent ang deklaradong drug free.
Sinabi ni Col. Randy Glenn Silvio, director ng Laguna Provincial Police Office, na mayroon pang mga barangay na inaasahang madedeklara ring drug cleared dahil sa kanilang pinaigting na kampanya laban sa illegal drug activities.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.