47-kilong ketamine, tinitingnan kung bahagi ng malaking drug shipment sa Batangas

0
383

CALAMBA CITY, Laguna. Sinisiyasat ng mga awtoridad sa Police Regional Office 4A ang pagkumpiska ng 47 kilong ketamine na nagkakahalaga ng P235 milyon mula sa dalawang naarestong Pakistani nationals, bilang bahagi ng tatlong malalaking drug shipment na ibiniyahe sa Alitagtag, Batangas.

Bukod sa 1.4 toneladang ilegal na droga na nasabat sa isang police checkpoint sa Barangay Pinagkrusan, Alitagtag, Batangas noong Abril 16, 2024, dalawa pang shipments na naglalaman ng malaking bulto ng ilegal na droga ang naibiyahe gamit ang isang pribadong yate sa Batangas.

Sa kasalukuyan, inaalam ng pulisya kung ang 47 kilos ng ketamine ay kabilang sa mga ilegal na droga mula sa tatlong shipments na naipasok sa Pilipinas. Ang nasabing pribadong yate ay hinihinalang nag-transport ng 47 kilos ng ketamine, at ang 1.4 toneladang shabu na nagkakahalaga ng P9.68 bilyon na naharang sa Alitagtag, Batangas.

Ang dalawang Pakistani at isang Canadian ay nananatiling nasa kustodiya ng pulisya matapos ang kanilang pagkakaaresto. Ayon sa mga awtoridad, ang pagkakakumpiska ng mga ilegal na droga ay malaking hakbang tungo sa pagsugpo ng droga sa bansa.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong lawak ng operasyon at kung sino ang mga nasa likod nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.