5 ang namatay sa nasunog na pagawaan ng paputok sa Laguna

0
360

Calamba City, Laguna. Lima ang patay sa sunog na sanhi ng pagsabog ng mga paputok sa isang bahay sa Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat, kinilala ng Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) ang apat sa mga biktima na sina Leticia Corral, 83 anyos; Kenneth Buebo, 24 anyos; James Darwin Delluson, 22 anyos; at Ryan James Gutierrez, 18 anyos.

Ang ikalimang nasawi ay hindi pa nakikilala.

Nangyari ang insidente sa bahay ng mga biktima sa GK Village, Sitio Majada sa Brgy. Canlubang, Calamba City, na ginulantang ng malakas na pagsabog bandang 11:20 a.m.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago nakontrol ng mga bumbero bandang 12:03 ng tanghali.

Natagpuan ang mga bangkay ng mga biktima sa iba’t ibang lugar sa loob ng bahay.

Tinantiya ng Bureau of Fire Protection na umaabot sa PHP1.4 milyon ang pinsala idinulot ng sunog.

ang halaga ng pinsala na 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente sa gitna ng mga ulat na ang bahay ay ginagamit sa ilegal na paggawa ng paputok para sa kapaskuhan. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.