Dasmariñas City, Cavite. Nasakote ang dalawang babae at tatlong kalalakihan kasama ang kanilang kasabwat sa magkahiwalay na operasyon kontra-iligal na droga sa lungsod na ito sa Cavite kahapon.
Kinilala ang drug pusher na may mga alias na Ge, 26; Tisay, 45; at ang kanilang mga karamay na may mga alias na Paul, 42; Rudy, 47; at Dhix, 23, ang nakilala ng pulisya.
Dalawa sa limang suspek ang itinuturing na high-value individuals (HVI), habang ang iba ay street level lamang.
Sa isinagawang pag-aresto, nakumpiska ang limang piraso ng sachet na may laman na tinatayang 25 gramo na nagkakahalaga ng P170,000, at 15 gramo na nagkakahalaga ng P102,000.
Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, direktor ng Police Regional Ofiice-Calabarzon, nahuli ang limang suspek sa magkahiwalay na operasyon kontra-droga sa Brgy. Sta. Lucia at Brgy. Salawag sa Dasmariñas City.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.