5 arestado sa paglabag sa liquor ban

0
417

Bay, Laguna.  Lima ang nadakip na lumabag sa Comelec Resolution No. 9131 o liquor ban sa Laguna noong Mayo 8, isang araw bago sumapit ang halalan kahapon.

Inaresto ng Bay Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek na sina Leon Aligato, 37 anyos, Ruel Talisay, 18 anyos, Randy Talisay, 40 anyos Ramil Talisay, 40 anyos at Agnes Aligato, 39 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Dila, Bay, Laguna. Nahuli sila sa aktong nag iinuman matapos magsumbong sa pulis ang isang nagngangalang Rodel Mendoza na diumano ay pinagmumura ng mga suspek.

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga arresting unit ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaso ng paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay ng liquor ban.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.