SAN JOSE, Occidental Mindoro. Patuloy ang isinasagawang rescue operations sa Occidental Mindoro matapos lumubog sa baha ang limang bayan bunsod ng malakas na habagat na pinalakas pa ng bagyong Dante at Emong.
Kabilang sa mga nailigtas ang ilang matatandang residente, kabilang ang dalawang 87-anyos mula sa Barangay Balansay sa Mamburao, pati na rin ang mga residente mula sa Barangay Tangkalan at Pinagturilan.
Umabot na sa mahigit 250 pamilya o higit 800 katao ang inilikas. Nag-utos na si Governor Eduardo Gadiano ng preemptive evacuation, at forced evacuation kung kinakailangan para sa kaligtasan ng mga apektadong residente.
Kabilang sa mga pinakaapektadong bayan ang Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz, at Sablayan.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






