5 Hapon, nasagip ng PCG sa nabahurang barko sa Mindoro

0
208

Calapan City, Oriental Mindoro. Limang Japanese crew na pawang senior citizen ang iniligtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na mabahura ang sinasakyang fishing vessel sa baybayin ng Brgy. Navotas, sa Calapan kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sakay ng barkong pangisda na sina Itsuo Tamura, 86-anyos; Hiromu Nishida, 83; Hamagato Tsukasa, 80; Osamu Kawakami at Hata Isamu; 74 taong gulang.

Ayon sa report ng PCG, bandang alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng impormasyon sa isang napadaang barko na nakakita sa kanila sa nabanggit na lugar.

Agad na nakipag-ugnayan sa PCG District Southern Tagalog at PCG Station Oriental Mindoro upang magsagawa ng search and rescue operation.

Ayon sa PCG, gamit ang BRP Habagat (TB 271) ay matagumpay na natukoy ng PCG search and rescue team ang lokasyon ng nabahurang barko at nailigtas ang mga Hapon na sakay ng M/V Catriona.

Ayon sa salaysay ng mga Hapon, umalis sila ng Japan patungong Davao ngunit habang naglalayag ay aksidenteng nabutas ang kanilang fishing vessel.

Nasa  maayos ng kalagayan ng mga Japanese crew at maayos na nakarating sa pier ng lungsod ng Calapan, ayon pa rin sa report ng PCG.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.