5 human trafficking suspects arestado ng Laguna PNP

0
447

Biñan City, Laguna. Arestado ang 5 suspek sa kasong “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 o “Human Trafficking” sa lungsod na ito kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge ng Laguna Provincial Police Office (PPO) ang mga suspek na sina Angelo B. Ermita, consultant ng Lady of the Night Henry 888 Restobar, 48 anyos; Alfonso V Tanjuaquio , bugaw, pawang mga residente Biñan City, Laguna; Mark Randy A Gondranios, empleyado ng nabanggit na restobar at residente ng Tondo Manila; Leian E. Bautista, lady keeper na residente ng Sta Rosa, Laguna at Jerick A Quijano, lead waiter na residente ng Muntinlupa City.

Ayon sa ulat ng Biñan City Police Station (CPS), nagsagawa ng joint inspeksyon at rescue operation ang mga tauhan ng Biñan CPS at PSOU Laguna PPO kasama ang Biñan City Social Welfare and Development sa Lady of the Night Henry 888 Restobar sa Brgy. Canlalay na nagresulta sa pagka aresto sa limang Human Trafficking suspek at pagsagip sa walong babaeng biktima.

Ang mga suspek ay ipinasa sa WCPD Section para sa tamang disposisyon at dinala sa Ospital ng Biñan para sa physical examination.

Ang mga naaresto na suspek ay kasalukuyang nasa piitan ng Biñan CPS habang inihahanda ang mga dokumento upang sila ay masampahan ng kaukulang kaso.

Samantala, katulad na kaso rin ang isasampa sa may ari nabanggit na restobar na si Milagros S. Ausan na residente ng Biñan City,Laguna.

“Bilang pagpapahalaga sa ating mga kababaihan, hindi natin hahayaan ng samantalahin ng mga human traffickers ang kanilang mga karapatan. Ang tagumpay na ito ay sa pamamagitan ng ating Barangay Intelligence Network kasama ang pwersa ng Laguna PNP at Binan City Social Welfare and Development,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.