5 magkakaanak na galing lamay, naaksidente sa Laguna: 3 patay, 2 sugatan

0
116

LUISIANA, Laguna. Tatlo ang nasawi at dalawa ang sugatan nang maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa sa bayang ito sa Laguna. Ang mga biktima, na magkakaanak, ay galing umano sa isang lamay at pauwi na nang maganap ang sakuna.

Ayon sa ulat ng Luisiana Municipal Police Station nitong Miyerkules, nagtamo ng matitinding pinsala sa ulo at katawan ang mga nasawi, na pawang mga senior citizens. Ang dalawa naman ay nagpapagaling na sa ospital, kabilang ang driver ng kotse.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sa Rizal ang mga biktima mula sa pinuntahang lamay sa Bicol nang mawala sa linya ng kalsada ang kanilang kotse at bumangga sa isang concrete barrier.

Sinusubukan pang kunan ng pahayag ang pamilya ng mga biktima, ayon sa ulat.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.