5 patay, 7 sugatan sa bagyong Aghon

0
184

Lima ang kumpirmadong patay at pito ang sugatan dahil sa pananalasa ng Bagyong Aghon, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes. Patuloy pa rin ang pag-validate ng mga nasawi, ayon kay OCD Spokesperson Edgar Posadas.

“Opisyal, wala pang casualties na may kinalaman kay Aghon. Pero sa kasamaang palad, may lima. Isang bata sa Calabarzon, isa sa Region X… at 3 sa Calabarzon. Itong lima is still for validation,” pahayag ni Posadas.

Batay sa situational report mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 8,465 pamilya o 19,373 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo. Nasa 5,343 katao ang napilitang lumikas, kung saan marami sa kanila ay nananatili sa 81 evacuation centers na itinayo ng gobyerno.

Nagdulot din ng matinding pagbaha ang bagyo sa 13 lugar sa rehiyon ng Mimaropa at Eastern Visayas, at nasira ang 22 bahay, apat dito ay tuluyang nawasak. Idineklara na rin ang state of calamity sa Lucena City, Quezon.

Samantala, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakapagbigay sila ng P5 milyong halaga ng standby funds sa Calabarzon, isa sa mga rehiyong labis na naapektuhan ng Aghon. Ayon kay DSWD Disaster Response Management Bureau Director Michael Christopher Mathay, mahigit 40,000 food packs na nagkakahalaga ng P29 milyon at iba pang food at non-food items na nagkakahalaga ng P35 milyon ang naipamahagi na sa rehiyon.

Patuloy na nagsusumikap ang mga ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga apektadong pamilya at maibalik ang normal na pamumuhay sa mga nasalantang lugar.

ng Aghon sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon batay sa monitoring ng Quezon Provincial Office.
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.