5 patay sa Rizal, Cavite road mishap

0
375

Calamba City, Laguna. Patay ang tatlong pasahero at 17 ang sugatan matapos bumangga sa poste ang isang jeep sa bayang ito kahapon.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station (MPS), tumatahak ang pampasaherong jeep sa kahabaan ng Daraitan Road sa Brgy. Daraitan sa Tanay ng tumagilid ang sasakyan sa isang palusong na kurbada at sumalpok sa poste ng Meralco.

Nasawi sa nabanggit na aksidente ang mga pasaherong sinaMaximo Legaspi, Manuel Peralta y Hipolito at isang Alyas Butor. Nasugatan naman at itinakbo sa Tanay General Hospital sina  Jocelyn Calinawan, Mario Legaspi, Jake Real, John Deniel Real, Ligaya Barcante, Francis Charles De Jesus, Trici Ann Prestado, Bea Flores Makahilos, Arnold Flore, Jamil Prestado, Ayesha Prestado, Felisicima Buendia y Velasquez, Rodolfo Cunana y Amor, Joseph Prestado, Emilus Quico Prestado, Zean Benidict Cruz at Ynna Conarco.

Ayon pa rin sa report ng Tanay MPS, nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Multiple Physical Injuries si Noe Butor y Torlade, driver ng jeep na may plakang TWU 901.

Sa bukod na insidente sa General Trias City, Cavite, isang motorsiklo na minamaneho ni John Paul Balibado, ang umokupa sa kabilang linya bandang alas-11:45 ng umaga at nabangga ang isang jeepney na minamaneho ni Robert Generoso sa Brgy. Javalera.

Si Balibado at ang hindi pa nakikilalang back-rider nito ay nagtamo ng mga pinsala at isinugod sa magkahiwalay na ospital.

Ayon sa report ng pulisya, si Balibado ay idineklara na dead on arrival, habang ang back-rider ay namatay habang ginagamot.

 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.