5 PNP high-ranking officials hinalo ni Acorda

0
213

Umupo sa bagong pwesto ang limang matataas na opisyal ng National Police (PNP) sa pinakahuling isinagawang reshuffle.

Sinabi ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. na ang kanyang bagong appointment order ay naglipat kay Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang bagong Director for Intelligence ng PNP at si Brigadier General Rommel Francisco Marbil naman ang papalit bilang Director for Comptrollership.

Si Brigadier General Vincent Calanoga ay itinalaga bilang acting director ng Police Regional Office 8 habang si Brigadier General Roger Laroza Quesada naman ay nai-assign bilang acting deputy Regional Director para sa Administration ng PRO 5.

Si Brigadier General Limuel Esto Obon naman ang bago nang director ng Human Rights Affairs Office.

Ayon kay Acorda, naniniwala siya na magdadala ng kanilang kasanayan at karanasan ang mga bagong talaga sa mga bagong posisyon upang pamunuan ng propesyunalismo, integridad at dedikasyon sa serbisyo ang kanilang mga yunit at opisina.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.