50 kaso ng HIV kada araw; mataas ang hawahan sa kabataan

0
196

Lumalala ang problemang kaugnay ng human immunodeficiency virus o HIV sa mga kabataan na may edad 15 pababa, ayon kay Department of Health (DOH)Secretary Ted Herbosa.

Sinabi ng kalihim ang bagong bilang ng humigit-kumulang 50 bagong kaso ng HIV kada araw na naitala sa buong Pilipinas. Sa bilang na ito, 47% ay kabilang sa mga kabataan na may edad 15 hanggang 24.

Binigyang-diin ni Herbosa na ang 50 na kaso ng HIV bawat araw ay doble kumpara noong 2022.

Sa kabila nito, ipinunto ni Herbosa na ang bansa ay mayroon pa ring “napakababang insidente” at wala pang 1% ng populasyon ang mayroong HIV.

Sa pakikipagpulong niya kay infectious diseases expert Dr. Edsel Salvana, sinabi nito na isang bagong subvariant ng HIV ang nagiging sanhi ng pagtaas ng kaso. Ipinaliwanag ni Salvana na nangyari na ito noon at hindi lamang ito napapansin dahil sa COVID-19.

Noong Abril, sinabi ng DOH na maaaring umabot sa 364,000 ang bilang ng kaso ng HIV sa bansa sa taong 2030. Ayon kay Noel Palaypayon ng DOH – Epidemiology Bureau, o may average na 47 na kaso kada araw.

Kahit na umabot na sa 112,028 ang naiulat na kaso mula 1984 hanggang Pebrero 2023, umaasa ang DOH na magiging mas maayos ang sitwasyon sa HIV sa pamamagitan ng mas mabuting pagsusuri, mas epektibong edukasyon, at pagsugpo sa mapanganib na asal ng mga kabataan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo