500 pamilyang benepisyaryo ng 4Ps, kinilala

0
266

Sta. Cruz, Laguna. Hinandugan ni Laguna Governor Ramil Hernandez ng sertipiko ng pagkilala ang 500 pamilyang Lagunense mula sa labing limang bayan, partikular sa ikatlo at ikaapat na distrito ng Laguna sa idinaos na Pugay-Tagumpay-Pagkilala sa mga pamilyang nagtapos bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’S) na ginanap sa Laguna Sports Complex sa Brgy. Bubukal, bayang ito kanina.

Dumalo sa kaganapan si Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo kasama si Usec Jerico Francis Javier at ibang opisyal ng DSWD.

Sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan, ang 500 pamilya ay kinilala sa kanilang pagsisikap na mapagtapos ng pag aaral ang kanilang mga anak at nakaahon na sa kahirapan sa tulong ng 4Ps program na naglalayong gapiin ang kahirapan at mapabuti ang kalagayang pantao ng mga Pilipino.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.