Php500M halaga ng kontrabando, nadiskubre sa isang bodega sa Tanza, Cavite

0
377

Tanza, Cavite. Kinumpiska ng mga miyembro ng  Bureau of Customs-Port of Manila (BOC-POM) sa isang warehouse sa bayang ito kahapon ang Php500M na halaga ng mga puslit na paninda.

Ayon sa report ng POM’s Customs Intelligence and Investigation Service Field Office (CIIS) at ng Enforcement and Security Service (ESS), ang mga kontrabando ay nadiskubre sa isang bodega sa  9172 Antero Soriano Highway, Barangay Mulawin sa nabanggit na bayan.

Kasama sa mga kinumpiska ang mga sari saring pagkaing gawa sa China, mga inumin, medical protective mask at mga huwad na Jordan, Nike, Crocs, and Havaianas at iba pang sikat na brand.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang mga smuggled na paninda ay ipinamamahagi ng isang lokal na grupo ng mga Intsik sa pangunguna ng nina Anna Ty at Willy Zhang.

Sina Ty at Zhang ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 1114 ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.