52K Pulis ng PNP ipapakalat sa Holy Week

0
200

Mahigit 52,000 na pulis at 427 na mga K-9 units ang ipapakalat sa buong bansa upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko, lalo na sa inaasahang pag-uwi sa probinsya, ayon sa ulat ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr.

“There is sufficient enough personnel or manpower that is deployed in the different areas of concern like roads and even convergence [areas], in ports and airports. Our intelligence monitoring will also continue,” sabi ni Acorda.

“Kung may pangangailangan na magdagdag, mayroon kaming reserve force na maaari naming gamitin,” dagdag pa niya.

Para sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nasa 2,300 na tauhan ang magiging “on duty” sa kanilang ipatutupad na “no absent, no leave” na patakaran sa mga panahong ito.

Binanggit din ng Bureau of Fire Protection (BFP) na naka-standby ang 28,000 nilang tauhan at 3,472 na mga emergency vehicle.

Sa hanay naman ng Philippine Coast Guard (PCG), mayroong 30,000 tauhan ang ihahanda nila para sa susunod na linggo.

Bagaman walang nakikitang banta, handang pa rin ang PNP at Armed Forces of the Philippines na palakasin ang seguridad ng publiko.

“We don’t see any threat. We just want to make sure that we are covered,”  sabi ni Acorda.

Samantala, nasa ilalim ng code white ang Department of Health mula Marso 24 hanggang 31, na nangangahulugang ang kanilang mga operasyon ay aktibo 24/7 para sa mga emergency.

“It’s a whole [of] government approach. We will have our regular coordination meeting. The DOH will provide the information campaigns advocacy even before this Semana Santa,” sabi ni Maria Belinda Evangelista ng DOH Emergency Management Bureau.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo