54 MWPs, naaresto ng Laguna PNP sa isang linggong manhunt ops

0
455

Sta. Cruz, Laguna. Kabilang sa limamput apat na naarestong most wanted persons (MWP) ang rank 2 na akusadong rapist at rank 3 na akusadong murderer sa ilalim ng isang linggong manhunt operations ng Laguna PNP, mula Abril 1 hanggang 7, 2022.

Ayon sa report ni Police Colonel Cecilio R. Ison Jr, Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, dalawampu’t isa sa mga ito ay MWPs na kinabibilangan ng apat na MWP sa Regional level, tatlo sa Provincial level, at labing apat sa City at Municipal level, habang ang tatlumput dalawa ay nasa listahan din sa mga pinaghahanap ng batas.

Kabilang sa apat na most wanted persons ng Regional level (CALABARZON) ang rank number 2, rank number 3 at rank number 10 MWP sa kasong rape at isang rank number 7 sa kasong murder na pawang walang rekomendasyon sa piyansa.

Sa magkasunod na manhunt operations na ikinasa ng Nagcarlan Municipal Police Station ay naaresto ang rank 2 at 3 MWP sa Regional level na sina Joshua Tuico at  John Cedrick Ramilo.

Kasabay nito ay arestado din rank 10 MWP Regional level na akusadong rapist na si Norvin Suniega sa ilalim ng joint manhunt operation ng Calauan Municipal Police Station at Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) ng Laguna PPO.

Sa isa pang joint manhunt operation ng San Pablo City Police Station at Provincial Investigation Detection and Management Unit (PIDMU) noong April 5, 2022, arestado din sa nabanggit na lungsod ang rank number 7 MWP Regional level na si Romeo Gonzaga sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder.

Tatlo sa 21 MWP na ito ay nasa listahan ng Provincial level kabilang ang rank number 5 sa kasong robbery in an inhabited house or public building or edifice devoted to worship, rank number 6 MWP sa kasong lascivious conduct committed against a child, at rank number 8 MWP sa kasong acts of lasciviousness committed against a child.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.