54 pang marinong Pinoy ang nakauwi mula sa Ukraine

0
358

Nakauwi na kahapon ang 54 na marino na naipit sa barko sa port of Odessa sa Ukraine. Ito ang pinakamalaking grupong umuwi mula noong nagsimula ang paglikas mula sa Ukraine, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang grupo ay binubuo ng 14 na seafarers ng MV Bolten Ithaki, pitong seafarers ng MV Ithaca Prospect, 12 seafarers ng MV Polar Star, at 21 seafarers ng MV Riva Wind, ayon sa DFA.

Binabantayan ng DFA, ang Philippine Embassy sa Budapest sa pamumuno ni Ambassador Frank Cimafranca at Philippine Honorary Consul Victor Gaina ng Chisinau, Moldova ang 23 barko na pinamamahalaan ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar.

Dalawa sa mga ito, kabilang ang Yasa Jupiter at MV Namura Queen, ay parehong tinamaan ng bomba sa Black Sea at nagsanhi ng pagkasugat ng isang Pinoy na marino.

Ang pinakahuling pagdating ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga marino na naiuwi mula sa Ukraine mula noong Pebrero 27 sa 247. Inaasahan pang uuwi ang 14 pa sa Marso 15.

Ang breakdown ng mga Filipino crew members ng 15 barko na inilikas o naiuwi na sa Pilipinas ay ang mga sumusunod: MV S –Breeze, 21; MV Joseph Schulte, 7; MV Star Helena, 31; MV Global Aglaia, 20; MV Key Knight, 21; MV Pavlina, 22; MV Bonita-11, MV Star Laura, 19; MV Rio Grande, 22; MV Puma, 1; MV Polar Star, 19; MV Bolten Ithaki, 14; MV Ithaca Prospect, 7; MV Riva Wind, 21; at MV Marika, 14.

Sinabi ng DFA na patuloy itong nagsisikap na mailikas at maiuwi ang humigit-kumulang 97 pang marino sa anim na barkong naipit sa Black Sea.

Ang Port of Odessa sa Ukraine ay isa sa pinakamalaking terminal ng pasahero sa Black Sea basin.
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.