55 anyos na lalaki nahulog sa hukay, patay

0
237

Laurel, Batangas. Nahulog sa hukay na may lalim na 15 talampakan at namatay ang isang 55 anyos na lalaki sa Purok 5, Barangay Balakilong sa bayang ito.

Kinilala ni Police Major Edgar Sumadsad, hepe ng Laurel Municipal Police Station ang biktima na si Richard Baluway na residente ng naturang lugar 

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang biktima sa pulong ng samahan ng mga mangingisda sa bahay ng isa sa mga lider nito ng makaramdam ito ng tawag ng kalikasan.

Dahil nasa itaas pa ang rest room sa lugar, nagtungo ang biktima sa likod bahay kung saan ay narinig nila ang sigaw nito matapos mahulog na sa malalim hukay.

Nagtulong tulong ang mga mangingisda na iahon si Baluway at itinakbo sa ospital kung saan ay idiniklara itong dead on arrival.

Hinihinala ng mga nag imbestigang pulis na posibleng tumaas ang presyon ng biktima at nahilo na posibleng dahilan ng kanyang pagkatumba at pagkahulog sa nabanggit na hukay.

Gayon pa man, patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis kung may foul play sa naganap na insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.