55 party-list groups, ipoproklama mamayang hapon

0
209

Ipoproklama ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Tent sa Pasay City ngayong araw, mamayang hapon (Mayo 26), ang 55 party-list groups na nakakuha ng pinakamaraming boto noong nakaraang Mayo 9 na halalan.

Ang mga party-list groups na ipoproklama ay ang mga sumusunod: 

ACT-CIS, 1-Rider Partylist, Tingog, 4Ps, Ako Bicol, Sagip, Ang Probinsyano, Uswag Ilonggo,Tutok to Win, Cibac, Senior Citizens, Duterte Youth, Agimat, Kabataan, Angat, Marino, Ako Bisaya, Probinsyano Ako, LPGMA,  Api, Gabriela, CWS, Agri, P3PWD, Ako Ilocano Ako, Kusug Tausug, An Waray, Kalinga, Agap, Coop-Natco, Malasakit@Bayanihan, BHW, GP Party, BH, Act Teachers, TGP, Bicol Saro, Dumper PTDA, Pinuno, Abang Lingkod, PBA, OFW, Abono, Anakalusugan, Kabayan, Magsasaka, 1 Pacman, APEC, Pusong Pinoy, TUCP, Patrol, Manila Teachers, AAMBIS-OWA, Philreca, at Alona.

Kasabay nito, pinayuhan ang mga nanalong grupo na magdala lamang ng dalawang kinatawan sa bawat grupo na nakasuot ng damit na Pilipino para sa mga seremonya.

Noong Miyerkules, natapos ng NBOC ang canvassing ng mga boto ng 173 Certificates of Canvass. Ang Kongreso ay may 63 party-list seats. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.