5,733 San Pableños, nabigyan ng first dose sa unang araw ng National Vaccination Days

0
308

San Pablo City, Laguna.  Matagumpay ang unang araw ng nationwide na “Bayanihan, Bakunahan” sa lungsod na ito matapos makapag bakuna ng 7,748 doses sa unang araw ng National Vaccination Days  kahapon, Nobyembre 29, 2021, ayon sa report ni City Health Officer Dr. James Lee Ho kay San Pablo City Mayor Amben Amante.

Sa naireport na bilang, ang 5,734 dito ay first dose, ang 474 ay second dose at 1,540 ay booster dose. 

Isinasagawa ang 3 araw na malawakang pagbabakuna sa walong vaccination site sa  San Pablo City Central School Gymnasium na nakapag bakuna ng 1,464; SM San Pablo, 2,268; MegaVac, 2,095; PPL-San Pablo, 516; Community General Hospital, 731; Immaculate Conception Hospital, 209; San Pablo Doctors Hospital, 296 at San Pablo Medical Center, 219.

Inaasahan ang pagdating ng marami pang first time vaccines sa susunod na dalawa pang araw ng “Bayanihan, Bakunahan” nationwide drive. Samantala, nagpapaalala sina Amante at Dr. Lee Ho sa publiko na sumunod sa minimum public health standards (MPHS).

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.