5K OFWs ang aalis papuntang Taiwan sa susunod na linggo

0
418

Tutulak patungong Taiwan ang humigit kumulang na 5,000 Overseas Filipino Workers (OFW) sa darating na linggo sa muling pagbubukas ng border sa ilang bansa sa Pebrero 15, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kahapon.

Sinabi ni POEA Deputy Administrator Villamor Plan na ang 5,000 na manggagawa ay ang mga hawak ng visa na bago ang ibaba ang deployment ban na ipinataw ng Taiwan noong nakaraang taon.

“When it comes to the number of OFWs that we can send there, it is estimated to be about 40,000. But as of now, we already have about 5,000 workers leaving,” ayon  sa kanya sa Laging Handa public briefing.

Noong Mayo 2021, isinara ng Taiwan ang mga border nito sa sinumang walang citizenship o alien residency certificate.

Inanunsyo ng Central Epidemic Command Center (CECC) ng Taiwan noong Pebrero 7 ang susunod na yugto ng pagpapapasok sa mga fully vaccinated na migrant workers mula sa Pilipinas, Vietnam, Indonesia, at Thailand na makapasok sa Taiwan.

Pinaalalahanan din ni Plan ang mga OFW na ang mga gastos na may kinalaman sa protocol ay sasagutin ng employer o ng recruitment agencies.

Ang mga migranteng manggagawa ay dapat magkuwarentina sa loob ng 14 na araw at manatili sa iisang hotel para sa isa pang pitong araw ng self-health monitoring bago pumunta sa kanilang mga lugar ng trabaho.

Sinabi ni Chen Shih-chun, pinuno ng CECC, sa Taiwan News na ang quarantine para sa mga manlalakbay sa ibang bansa ay hindi paiikliin hanggang wala pang booster dose ang 50 porsyento ng kanilang mamamayan na inaasahan maaabot sa Marso.

Kaugnay nito, iniulat ni Plan na maraming bansa ang gustong kumuha ng manggagawang Pilipino, partikular sa health sector.

“There are many demands but we have to consider also our personal demands here so we still have a little bit of deployment cap to follow. We can only deploy up to 7,000 healthcare workers,” dagdag pa niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.