6 na construction worker patay sa gumuhong pader sa Tagaytay

0
314

Tagaytay City. Kinumpirmang patay ang anim na construction worker matapos gumuho ang isang konkretong bakod sa kanilang barracks sa Barangay Kaybagal Central sa sa kyngsod na ito, noong Lunes ng gabi, Hunyo 11, ayon sa ulat ng Tagaytay City Police Station (CPS) kanina.

Ayon kay Tagaytay CPS Police Phief Col. Norman Ranon, ang bangkay ng lima pang biktima ay narekober mula sa mga debris ng gumuhong pader kanina.

Nauna nang narekober ng mga awtoridad ang tatlong biktima. Ang dalawa sa kanila ay buhay habang ang isa ay dead on arrival sa ospital.

Ayon pa rin kay Ranon, isa sa mga nakaligtas ay ang project engineer na nagtamo lamang ng maliliit na pasa sa insidente.

Nagtulungan ang mga rescue personnel mula sa Bureau of Fire Protection, Tagaytay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at Cavite Provincial DRRMO sa pagkuha ng mga bangkay ng mga biktima.

Ayon sa mga inisyal na ulat, nagpapahinga ang mga biktima sa barracks ng 3-13 Construction nang gumuho ang anim na metrong sementong bakod na yari sa hollow block ng Hortaleza Farm bandang 6:20 ng gabi sa gitna ng malakas na ulan sa lugar.

Sinabi ni City Administrator Gregorio Monreal na ang imbestigasyon ay isinasagawa upang matukoy ang sanhi ng insidente at ang pananagutan ng mga may-ari ng gumuhong istraktura.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.