6 na suspek nasakote sa anti-illegal drugs ops ng Laguna PNP

0
311

Calamba City, Laguna.  Inaresto ang anim na suspek sa isinagawang magkakabukod na anti-illegal drugs operations sa Laguna, ayon sa report ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo Cruz kahapon.

Nahuli si Joel Trambulo y Martinez alyas Pilay, 41 anyos na residente ng Brgy. Banilan, Pakil, Laguna sa aktong nagbebenta ng ilegal na droga sa isang pulis na umaktong poseur buyer sa Brgy. Matikiw, sa buy-bust operation na isinagawa ni Pakil Police Station Chief PCPT Ian L. Loyola. Nakuha sa mga suspek ang isang kalibre 22 na baril at mga bala at 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa isang bukod na buy-bust operations sa San Pablo City na isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ni San Pablo City Police Chief PLTCOL Garry C. Alegre, nahuli si Arthuro Puzo Almero alyas Troy, 42 anyos na resident of Brgy. Marawoy, Lipa City, Batangas kasama si Romer Baldovino Infante alyas Joker, 57 anyos na residente ng Brgy. V-C, San Pablo City. Nakumpiska ng mga pulis sa mga suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang Marijuana.

Sa Alaminos, Laguna, naaresto si Dennis Agila Ulan, 37 anyos at naninirahan sa Brgy Pob 2, Alaminos sa nabanggit na bayan sa operasyon na isinagawa ni Acting Alaminos Police Station Chief PCPT Edwin R. Goyena. Nakuha ng mga pulis sa suspek ang tatlong scahet na hinihinalang shabu.

Nasakote naman ng operations ni Biñan Police Officer-in-Charge PLTCOL Jerry B. Corpuz sina Marlon Maloma, male, 43 anyos at Melvin Capina, male, 30 anyos at pawang naniniahan sa 1256 Wawa Brgy. Malaban, Binan City, Laguna habang nasa aktong nagsasagawa ng pot session sa Loobang Maligaya Mayeth Zone 7 Brgy. Malaban, Biñan City, Laguna. Kinumpiska ng mga pulis sa kanila ang mga drug paraphernalia na ginamit sa pot session.

Ang “Intensified Illegal Drugs Operation” ng Laguna PPO ay aktibo at masigasig na kumikilos laban sa illegal drugs. Ito ang prayoridad ng mga police station sa buong Laguna alang alang sa kaligtasan ng publiko, ayon ay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.