6 Pinoy sugatan sa Iran-Israel missile strike, 1 kritikal

0
45

MAYNILA. Umabot na sa anim ang bilang ng mga Pilipinong nasugatan sa isinagawang missile strike ng Iran laban sa Israel, ayon sa ulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon sa OWWA, apat sa mga sugatang Pinoy ang nakalabas na sa ospital habang ang isa naman ay patuloy na nagpapagaling. Isa sa mga biktima, isang Filipino caregiver, ang nasa kritikal na kondisyon matapos mabagsakan ng debris mula sa gusaling tinamaan ng air strike.

Wala pang ipinatutupad na mandatory evacuation sa ngayon, ngunit tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na handa silang tumulong sa mga Pilipinong nais nang umuwi sa Pilipinas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.