6 staff, nag positibo; OPD ng Ospital ng Cabuyao isinara muna

0
557

Cabuyao City, Laguna. Kinumpirma ng Department of Health (DOH) noong Martes ng gabi na pansamantalang isinara ang Outpatient Department (OPD) ng Ospital ng Cabuyao sa Cabuyao City, Laguna matapos mag positibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang ilang healthcare workers nito.

Ayon sa DOH, nakumpirma nila sa pamamagitan ng National Patient Navigation at Referral Center at Center for Health Development 4A, na ang OPD ng ospital ay pansamantalang isinara simula noong Lunes, Hulyo 11 matapos na nag positibo sa virus ang anim na staff nito.

Kasalukuyang nilalapatan ng kaukulang lunas at pangangalaga ang mga pasyenteng health workers.

Pansamantala ring inilipat ang konsultasyon ng mga pasyente sa emergency room (ER) ng pagamutan.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.