60 anyos na babae ginilitan ng live-in partner dahil sa selos

0
334

GEN. TRIAS, Cavite. Ginilitan at napatay dahil selos ng isang mister ang kanyang 60-anyos na kinakasama habang natutulog sa loob ng ka­nilang bahay kahapon sa Brgy. Buenavista 1,bayang ito.

Kinilala ang biktima na hindi na nadala sa ospital na si Guadalupe Maraya Geraldo, residente ng Sitio Hulugan, Brgy. Buenavista 1,sa nabanggit ding bayan..

Dinakip ng mga pulis at barangay officials ang suspek na kinilalang si Roberto Viol Tacbobo, 55 anyos na kinakasama ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Sergeant Lauren Lubigan, bandang alas siyete ng umaga nang maganap ang krimen habang mahimbing na natutulog ang biktima.

Bago naganap ang insidente, nagtalo ang dalawa dahil sa pagseselos.

Batay sa interogasyon, hindi na nakatulog ang suspek dahil sa pag-iisip hanggang sa magdilim ang kanyang paningin at kumuha ng patalim at nilaslas ang leeg ng tulog na live-in partner.

Nakuha sa pi­nang­yarihan ng insidente ang kutsilyong ginamit ng suspek sa pagpatay.

Nakakulong ngayon sa Lucena custodial facility si Tacbobo at nakatakdang humarap sa kasong murder.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.