Ang mga taong nahawaan ng Covid-19 sa National Capital Region (NCR) ay 60 porsiyentong mas mababa ang posibilidad na ma-ospital kumpara sa mga nasa ibang lugar dahil sa mataas na rate ng pagbabakuna sa rehiyon, sinabi ng isang health official noong Martes.
Sa isang online media briefing, binanggit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na tumaas ang kaso ng Covid-19 sa Metro Manila noong bakasyon ngunit karamihan sa kanila ay hindi naospital.
Sinabi ni Vergeire na ang decoupling ay inoobserbahan sa NCR – isang sitwasyon kung saan ang pagdami ng mga impeksyon ay hindi katumbas ng parehong pagtaas sa proporsyon ng malubha at kritikal na mga kaso.
“Dahil sa mataas na (Because of high) vaccination rate in the NCR, we are seeing two types of Covid-19 patients admitted in our hospitals – the patients admitted for Covid-19 and cases of incidental Covid-19),” ayon sa kanya.
Ang mga pasyenteng na-admit para sa Covid-19 ay mga indibidwal na nagpositibo sa sakit sa bago i-admit sa ospital samantalang ang mga incidental na kaso ng Covid-19 ay mga na-admit para sa iba pang kondisyon kagaya ng acute appendicitis, acute coronary syndrome, cardiovascular disease infarct, intracranial hemorrhage, at trauma sanhi ng vehicular crash – at sa bandang huli ay naging positibo.
Samantala, binigyang-diin ng miyembro ng Inter-Agency Task Force Sub-Technical Working Group on Data Analytics na si Dr. John Wong na ang status ng pagbabakuna ng NCR ay “nagbibigay ng proteksyon ngayon sa mataas na rate ng pagkaka-ospital”.
“What we are seeing in the NCR is that compared to during the Delta surge, we have 24 percent fewer hospitalizations, and compared to non-NCR regions, we have about 60 percent fewer hospitalizations. The difference is that back in July and September during the Delta surge, and compared to non-NCR regions, the NCR has much higher vaccination rate – I think 75 percent now, compared to 35 percent in non-NCR regions,” ayon kay Wong.
Sa ngayon, humigit-kumulang 54 porsyento ng 1,100 ICU bed, 60 porsyento ng 4,500 isolation bed, 64 porsyento ng 4,400 ward bed, at 27 porsyento ng 1,000 ventilator para sa mga pasyenteng may Covid-19 ang ginagamit sa NCR.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo