6,000 BF ng illegal lumber nakumpiska sa Laguna

0
266

Kalayaan, Laguna. Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit na P300,000 na halaga ng illegal lumber sa isinagawang anti-illegal logging operation ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ayon sa ulat kahapon, Pebrero 10 sa bayang ito.

Sa pinagsanib na operasyon ng Police Region 4A at grupo ng DENR, bandang 5:30 PM nadiskubre ng ang inabandonang mga kahoy na lauan na may iba’t ibang sukat sa Brgy.San Antonio, sa nabanggit na bayan.

Ang nakumpiskang kahoy ay may daming 6,000 board feet (14.15 cubic meters) ay pagmamay-ari ng isang nagngangalang Arnold.

Naniniwala ang mga awtoridad na posibleng ang mga kahoy ay iligal na pinutol sa kabundukan ng Sierra Madre na pinakamalaking natitirang bahagi ng old-growth tropical rainforest sa bansa.

Kaagad na dinala sa tanggapan ng DENR sa Sta. Cruz, Laguna ang mga kumpiskadong kahoy para sa tamang disposisyon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.