65 anyos na furniture maker, pinagbabaril

0
449

Sariaya, Quezon. Pinagbabaril ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isang 65 anyos na bantog na furniture maker habang nagtatrabaho ito sa loob ng isang furniture shop sa bayang ito, bandang 12:30 ng tanghali kahapon.

Ang biktima ay kinilala na si Isagani Argosino, residente ng Sitio Birhenan Barangay Manggalang 1 sa nabanggit na bayan.

Ayon sa paunang pagsisiyasat ng Quezon Police Provincial Office, tumigil sa tapat ng furniture shop ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek, pumasok ang mga ito at nagpanggap na tumitingin ng mga muwebles ng biglang pagbabarilin ng mga ito si Argosino.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay. Narekober din sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala na hindi pa natutukoy na kalibre.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.