66-anyos lola kalaboso sa P175K shabu

0
220

Dasmariñas City, Cavite. Nahuli ang isang 60-anyos na lola na sinasabing aktibong nagtutulak ng droga sa kanilang lugar matapos makumpiskahan ng P175,000 na halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kahapon sa Brgy. Datu Esmael, sa lungsod na ito.

Si Olympia Benito, 66 taong gulang, ng Blk. 46 Lot 12, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, ay nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Section 5 at SEction 11 ng RA 9165. Nakalista siya sa pulisya bilang high-value individual.

Batay sa ulat ni Police Corporal Marnol Cunanan, ang nag-iimbestiga sa kaso, alas-4:50 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Cavite Provincial Police Office sa pangunguna ni Police Captain Pelecio Cruzada at ang Dasmariñas City Police laban sa suspek.

Ilang araw ng nasa ilalim ng surveillance operation sa lola bago ikinasa ang anti-drug operation.

Narekober mula sa suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu na may kabuuang timbang na mahigit na 25 gramo at nagkakahalaga ng P175,000.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.