67% ng ERs, COCs ang nai-transmit na sa Senado

0
139

Naka-standby ang Senado sa ngayong araw para sa 56 pang Election Returns (ERs) at Certificates of Canvass (COCs) na inaasahang darating anumang oras, mula sa 173 na na ika-canvass ng joint session ng Kongreso na magsisimula sa Mayo 24 upang matukoy ang susunod na Presidente at Bise Presidente.

Sa ikaanim na araw pagkatapos ng halalan noong Mayo 9, iniulat ng Senate Information and Public Relations Bureau na nakatanggap ito ng mga COC mula sa Romblon, Pampanga, Samar, Davao Occidental, Zamboanga Sibugay, Camarines Sur, Northern Samar, Cebu City, Zamboanga del Norte, Negros Oriental , Davao del Sur, Davao de Oro, Davao Oriental, Maguindanao, Misamis Occidental, Bulacan, Basilan, South Cotabato, Iloilo, Caloocan City, at Palawan.

Gayundin, ang mga boto mula sa Taiwan, Qatar, Bahrain, Singapore, London, Thailand, at Canada, at ng Persons Deprived of Liberty ay nasa Senado na, para sa 67.63 porsyento ng kabuuang ER at COC.

Noong Sabado, 88 ER at COC ang natanggap mula sa Benguet, Eastern Samar, Baguio City, Quirino, Biliran, Capiz, Apayao, Antique, Cagayan de Oro City, Pangasinan, Zamboanga City, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Tarlac, Aurora, Bataan , Cagayan, Rizal, Las Piñas City, Quezon City, San Juan City, Bukidnon, Pasay City, Marikina City, Laguna, Sarangani, Batangas, Southern Leyte, Muntinlupa City, Lanao del Norte, Catanduanes, Iligan City, Nueva Ecija, Oriental Mindoro , Marinduque, Kalinga, Abra, Misamis Oriental, Albay, at Local Absentee Voting.

Naihatid din ang mga Overseas Absentee Voting COC mula sa Indonesia, United Arab Emirates, Germany, Sweden, Angola, Switzerland, at South Korea.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.