Php 68M na halaga ng shabu, nakumpiska sa joint buy-bust operations

0
276

San Pedro City, Laguna. Nakumpiska sa lungsod na ito ang sampung kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) na Php 68M sa isang joint drug-buy bust operation noong Biyernes, Disyembre 17, 2021, ayon sa report ni Laguna Police Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN ELiseo DC Cruz.

Kinilala ni Campo ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35 anyos, binata at residente ng Block 14 lot 45 Camachile St., South Fairway Homes, Landayan, San Pedro, Laguna; Shamewayne Darvin, 19 anyos, binata at naninirahan sa 180 Rosal St., Subd., Purok 3, Bayanan, Muntinlupa City; Benz Gonzales, 21 anyos, binata at residente ng Purok 3, Blk 3, Solema St., Bayanan, Muntinlupa City. Kasama din ng mga suspek ang isang menor de edad na nailigtas.

Sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  nagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit (PDEG-SOU) NCR (lead unit), SOU4A, Regional Drug Enforcement Unit o Regional Special Operations Group (RDEU/RSOG) 4A, Drug Enforcement Unit (DEU) at ng San Pedro City DEU of Laguna Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit (RIU)4A, PDEA-NCR, at PDEA 4A, isinagawa ang operasyon sa Block 14 Lot 45 Camachile St., South Fairway Homes, Landayan, San Pedro City, Laguna na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong suspek.

 Pinuri ni Campo ang mga operating units at mga tauhan mula sa PIB at San Pedro CPS aniya ay pambihirang matagumpay na operasyon. “We will continue to work with other units of the PNP and other law enforcement agencies within and outside the province upang tuluyan ng masawata ang illegal na droga at illegal na mga aktibidad sa ating probinsya,” ayon kay Campo.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.