7 anyos ginahasa, pinatay at isinilid sa sako

0
628

Pila, Laguna. Natagpuang nakasilid sa sako ang isang 7 anyos na batang babae na ginahasa at pinatay sa Brgy. Masico, bayang ito kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leah May Joy Amadeo, grade 1 student.

Ayon sa paunang imbestigasyon ni Corporal Jay Valdo ng Pila Municipal Police Station, bandang alas siyete noong Martes ng gabi ng magpaalam ang biktima sa ina nito na makikipaglaro sa mga kapitbahay.

Makalipas ang halos dalawang oras ay hindi pa bumabalik ang bata kaya hinanap na ng Lola ang biktima upang maglinis ng katawan bago matulog.

Lubhang nag alala ang pamilya ng bata ng hindi na ito makita at hindi sumasagot sa mga tawag ng mga naghahanap. 

Isang grupo ng mga kabataang volunteer ang nakakita ng sako at humingi ng tulong mga tanod. Tumambad ang katawan ng biktima ng buksan ng mga opisyal ng barangay ang sako. Hubad ito at may mga sugat sa katawan at wala ng buhay. 

Agad na dinakip ng mga awtoridad ang isang nagngangalang MJ Fernandez, 15 anyos na nakita ng ilang testigo na siyang huling kausap ng biktima.

Nasa pangangalaga ngayon ng Pila Department of Social Welfare and Development ang naturang suspect.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.