7 anyos na bata, patay matapos ipaghampasan ng sariling ama sa kalsada

0
1002

Suspek, patay matapos ipag-untugan ang ulo sa kulungan

Rodriguez, Rizal. Patay ang isang 7 anyos na bata matapos paulit-ulit na ihambalos sa kalsada ng sariling ama sa bayang ito.

Nakita sa close circuit TV (CCTV) ang kalunos-lunos na insidente kung saan pilit na inaagaw ng mga kapitbahay ang bata mula sa ama.

Ngunit nang makuha ito ay tila wala na itong buhay dahil sa matinding pagkakahambalos.

Agad namang naaresto ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) ang suspek sa tulong ng mga kapitbahay.

Ayon kay Rodriguez MPS Police Chief Lt. Col. Marcelino Pipo, may record na sa pulisya ang suspek hinggil sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga na siyang nakikita nilang anggulo.

Bago naganap ang insidente ay ikinulong ng kanyang misis ang suspek dahil sa kakaibang kilos nito na posibleng epekto ng ipinagbabawal na droga ngunit nakatakas ito at pinagdiskitan ang kanyang anak, ayon sa report.

Namatay din ang suspek matapos ipag-untugan ang kanyang ulo sa loob ng kulungan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.