7 anyos na lalaki namatay sa tuklas ng cobra

0
689

Nagcarlan, Laguna. Wala ng buhay ng dumating sa emergency room ng Laguna Medical Center ang isang pitong taong gulang na bata matapos itong matuklaw ng cobra noong Miyerkules ng umaga sa Purok 1, Brgy. Sta.Lucia ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Leo villa, grade 7 student at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon, natutulog ang biktima sa loob ng kwarto nito ng maganap.ang insidente. Malapit ang bintana ng kwarto ng bata sa damuhang lugar ng isang bakanteng lote kung saan ay pinaniniwalaang dinaanan ng ahas.

Ayon kay Jennifer Villa, ina ng biktima, ginigising niya kaniyang anak upang magkape subalit hindi umano ito bumabangon. Sa pag- aakalang napapasarap ito ng tulog hinayaan umano niya ito sa pagtulog.

Bandang alas sais ng muli niya itong lapitan upang muling gisingin. Dito na niya nakita ang maraming kagat sa leeg nito na may mga bahid ng dugo at may palatandaan na tinuklaw ito ng ahas.

Agad ilang humingi ng tulong sa mga kapitbahay upang mabilis na maisugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa paghahanap sa ahas, nakita ito sa ilalim ng refrigerator at sa takot na makakagat pa ng ibang biktima, pinatay ito mga rumesponde.

Ayon pa sa pulisya ito na umano ang pangalawang insidente ng pagkamatay sanhi ng kagat ng ahas sa Nagcarlan Laguna.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.