7 Bayan sa Quezon, nasa red zone dahil sa ASF

0
128

LUCENA CITY. Pitong bayan sa lalawigan ng Quezon ang idineklara ng Office of the Provincial Veterinarian-Quezon bilang nasa Red Zone matapos makumpirma ang mga kaso ng African Swine Fever (ASF). Ang mga apektadong bayan ay San Andres, Macalelon, Lopez, Mauban, Candelaria, Tiaong, at San Antonio.

Dahil dito, nagpaalala ang tanggapan sa mga may alagang baboy na palakasin ang kanilang biosecurity measures upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa kanilang lugar. Upang masiguro na hindi na lumawak pa ang epekto ng ASF, nagtayo ang lalawigan ng mga Provincial Animal Quarantine checkpoints sa Pagbilao, Tiaong, Lucban, at Sariaya. Ang mga checkpoint na ito ay tututok sa mga hakbang laban sa pagkalat ng ASF.

Sa kabila ng banta ng ASF, nilinaw ng Office of the Provincial Veterinarian na hindi ito mapanganib sa kalusugan ng tao. Ayon sa kanila, “walang epekto ang ASF sa kalusugan ng tao at ta­nging baboy lamang ang maaaring mahawa sa sakit na ito.” Ngunit, idiniin din nila na ang ASF ay nagdudulot ng malaking pinsala sa industriya ng baboy, na siyang pangunahing tinatamaan ng sakit.

“Sama-sama Nating Sugpuin ang ASF!  Maglinis, maghigpit, magsuri, at makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Panlungsod na Beterinaryo para sa wastong impormasyon at suporta. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa 049-562-8266. Tulong-tulong tayo sa paglaban sa ASF,” ayon kay San Pablo City Veterinarian Fara Jayne Orsolino.

Mga Lungsod/Bayan sa CALABARZON na may aktibong kaso ng ASF as of Aug 15, 2024

Quezon

  • Tiaong (10 brgys, 44 farmers)
  • Macalelon (5 brgys, 23 farmers)
  • San Andres (2 brgys, 3 farmers)
  • Mauban (2 brgys, 3 farmers)
  • Candelaria (2 brgys, 2 farmers)
  • Lopez (2 brgys, 2 farmers)
  • San Antonio (9 brgys, 14 farmers)

Rizal

  • Morong (2 brgys, 2 farmers)
  • Binangonan (1 brgy, 2 farmers)
  • Antipolo City (1 brgy, 1 farmer)

Batangas

  • Lobo (19 brgys, 264 farmers)
  • Talisay (3 brgys, 4 farmers)
  • Calatagan (10 brgys, 23 farmers)
  • Lian (6 brgys, 22 farmers)
  • Lipa City (6 brgys, 13 farmers)
  • San Juan (1 brgy, 1 farmer)
  • Tuy (3 brgys, 6 farmers)
  • Balayan (4 brgys, 4 farmers)
  • Malvar (1 brgy, 2 farmers)

Laguna

  • San Pablo (1 brgy, 1 farmer)
  • Calamba (4 brgys, 6 farmers)
  • Nagcarlan (2 brgys, 3 farmers)

Cavite

  • Magallanes (1 brgy, 3 farmers)
  • Silang (2 brgys, 2 farmers)

KABUUAN:

  • 5 Lalawigan
  • 24 Lungsod/Bayan
  • 99 Barangay
  • 450 Magsasaka/Farm
Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.