7 boat riders nasagip ng PCG sa Mindoro

0
246

SAN JOSE, Occidental Mindoro. Pitong indibidwal ang nasagip ng mga tauhan ng Search and Rescue Team (SAR) ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos lumubog ang isang bangka sa katubigang sakop ng White Island at Brgy. Pag-asa sa San Jose Occidental Mindoro.

Ang bangka ay galing sa Calintaan patungong San Jose, Occidental Mindoro nang bigla itong harapin ng malalaking alon na nagresulta sa pagpasok ng tubig dagat sa bangka.

Agad nagpadala ng search and rescue team si San Nicolas Barangay Chairman Oliver Jaranilla at nailigtas ang limang pasahero ng bangka.

Tumulong ang PCG at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at nailigtas ang dalawa pang pasahero.

Ang mga pasahero ay pawang mga residente ng Occidental Mindoro, at kinilalang sina:

  1. Bryan Mark Verden, 18
  2. Rolan Tadia, 16
  3. Niko Vinloan, 18
  4. Mark Gonzales, 15
  5. Martin Jacob, 12
  6. Erick Naldo, 21
  7. Arvin Padua, 25

Matapos matiyak na nasa maayos ng kalagayan ang mga pasahero, hinila ng SAR team ang bangka at dinala sa pampang ng Brgy. Pag-asa sa San Jose.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.