Biñan City, Laguna. May sapat na ebidensya na nakita ang Department of Justice sa pitong miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na lumabag sila sa anti-hazing law, kaugnayan sa kaso ng pagkamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig dahil sa hinihinalang hazing.
Ayon sa press briefer ng DOJ, sinabi nila na nakakita ang prosecution ng probable cause na ituloy ang kaso laban kina Earl Romero (Slaughter), grand triskelion Tung Cheng Teng Jr. (Nike), Jerome Ochoco Balot (Allie), Sandro Victorino (Loki), Michael Ricalde (Alcazar), Mark Muñoz Pedrosa (Makoy), at master initiator Daniel Perry (Sting) na lumabag sa Anti-Hazing Law of 2018.
Ayon sa DOJ, dalawang magkahiwalay na criminal information for violation sa Anti-Hazing Act ang ihahain nito sa Biñan City Regional Trial Court.
Matatandaan na noong Pebrero 28 ay natagpuan ang bangkay ni Salilig na nakabaon sa bakanteng lote sa Imus, Cavite 10 araw makalipas na idineklarang itong nawawala
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.