7 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 47.6M nasabat ng Cavite PNP

0
268

Dasmariñas City, Cavite. Arestado ang dalawang high value suspects na nasa drug watchlist ng police station ng nabanggit na lungsod.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Said Alonte Ungpe, 39 anyos, at Ali Dimapuro Masinger, 22 anyos, parehong residente ng Block 51, Lot 30, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City.

Narekober sa kanila ang pitong kilo ng shabu na nakalagay sa loob ng mga tea bag na inatayang nagkakahalaga ng Php 47.6M.

Humarap ang isang halal na opisyal ng barangay sa nakakasakop sa lugar at isang media practitioner upang saksihan ang katotohanan ng imbentaryo ng mga nasabat na droga at iba pang ebidensya. 

Sina Ungpe at Masinger ay kakasuhan ng paglabag sa Sec 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang rekomendasyon sa piyansa.

Dinala sa Cavite Provincial Forensic Unit ang mga nasamsam na droga upang isailalim sa laboratory examinations .

Kaugnay nito, pinuri ni Regional Director ng Police Regional Office 4A na si Police Brigadier General Antonio C. Yarra ang mga operatiba ng lalawigan ng Cavite partikular ang Dasmarinas City Police Station, CIDG dahil sa pagkakakumpiska ng mahigit 7 kilo ng shabu sa nabanggit na operasyon na ikinasa ng intelligence at drug enforcement unit ng Dasmariñas PNP na pinangunahan ni Police Lieutenant Raul L. Alcantara, Jr.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.