7 patay, 120 nasagip, 23 ang sugatan sa nasunog na RORO vessel sa dagat ng Quezon

0
519

Real, Quezon. Pito ang nasawi sa nasunog na RORO vessel na MV Mercraft 2 malapit sa Baluti Island, Brgy. Cawayan, Real, Quezon kanina.

Bandang 6:30 a.m. ay nagpadala ng distress call ang naturang fast craft na galing sa Polillo patungong Real, Quezon ng magsimula ang sunog na pinaniniwalaang nagsimula sa engine room ng barko.

Humigit kumulang na 134 ang pasahero at crew ng barko ng maganap ang insidente.

Limang babae at dalawang lalaki ang nasawi. Tatlo ang kritikal, 120 ang nailigtas at 23 sa kanila ang nasugatan samantalang 4 ang hindi pa nakikita.

“Naganap ang insidente ng makarating ang barko 1,000 yarda mula Port of Real,” ayon sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG) kanina.

Kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue operations ang mga awtoridad habang nasa pampang na  fast craft vessel na ayon sa PCG Command Center, ay gawa sa fiberglass.

Photo credits: Philippine Coast Guard
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.