7 patay, 77 nagkasakit dahil sa matinding init ayon sa DOH

0
170

Inulat ng Department of Health (DOH) kahapon na umabot na sa 77 ang kabuuang kaso ng sakit na dulot ng matinding init habang pitong katao naman ang nasawi mula Enero 1 hanggang Abril 29.

Ayon sa DOH Event-based Surveillance and Response System, may isang demographic vulnerability na may 67 kaso na nakaaapekto sa mga indibidwal na nasa edad 12-21 taong gulang.

Gayunpaman, dahil sa kakulangan ng sapat na datos, itinuturing pa rin ng DOH na non-conclusive ang mga kaso ng mga nasawi na maaaring kaugnay ng heat stroke.

Ang mga kaso ng heat-related illness ay kumplikado, kung saan maaaring maiugnay sa matinding init ng panahon tulad ng heat stroke, o iba pang mga komplikasyon tulad ng pagtaas ng blood pressure na maaring mauwi sa atake sa puso.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng temperatura, inabisuhan ng DOH ang publiko na panatilihin ang kanilang hydration at kumonsulta sa mga doktor sakaling makaranas ng mga sintomas ng sakit na nauugnay sa init.

Sa huling advisory, naitala ang 34 na kaso ng heat-related illnesses mula Enero 1 hanggang Abril 18 sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen. Anim dito ang namatay bagamat patuloy pa ang pagsusuri upang matukoy ang eksaktong sanhi ng mga pagkamatay.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo