IMUS CITY, Cavite. Ipinasibak na ng Philippine National Police (PNP) si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang pitong pulis matapos ang kontrobersyal na insidente na kinasasangkutan nila. Ito ay kaugnay sa kanilang pagsalakay sa tahanan ng isang retiradong guro sa lungsod na ito noong Agosto 7, 2023.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, pirmado na ni Gen. Acorda ang desisyon na pagsibak sa mga sumusunod na pulis: SSgt. Jesus Alday, SSgt. Julius Barbon, SSgt. Emil Buna, Cpl. Jenerald Cadiang, Cpl. Lew Amando Antonio, Pat. Reymel Czar Reyes, at Pat. Rene Mendoza. Natukoy na sila ay “guilty” sa anim na kaso ng grave misconduct, dalawang kaso ng less grave misconduct, isang kaso ng grave irregularity in the performance of duty, grave dishonesty, at conduct unbecoming of a police officer.
Binibigyan pa ng 10 araw ang pitong pulis para mag apela sa desisyon na ito. Gayunpaman, sila ay sasailalim pa rin sa pre-charge investigation kaugnay ng kaso ng neglect of duty sa ilalim ng command responsibility. Bukas naman sa kasong ito ang Chief of Police at Deputy Chief of Police ng Imus Police.
Nag-ugat ang kaso mula sa pagsalakay ng mga pulis sa tahanan ng retiradong guro na si Rebecca Caoile, 67 anyos, sa Barangay Alapan 1-A. Nahuli sa CCTV footage ang mga pulis na nagbibitbit ng mga gamit mula sa bahay ng biktima, kabilang ang mga gulong at rim ng motorsiklo, laptop, at halos P80,000 na pera.
Matatandaan na wala silang dalang search warrant o arrest warrant nang isagawa ang operasyon. Dahil dito, isinampa ang kaso ng robbery laban sa mga pulis.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pagtutok ng PNP sa pagpapanagot sa mga kapulisan na lumalabag sa batas at nagbibigay din ito ng babala sa mga pulis na sumunod sa tamang proseso at respetuhin ang karapatan ng mga mamamayan.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.