71-anyos dinukot, pinatay sa bugbog; 6 arestado

0
248

SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan. Patay ang isang 71-anyos na lalaki matapos pagtulungang bugbugin ng walong suspek na armado ng baril makaraan siyang dukutin at pagnakawan pa kamakalawa ng hapon sa lungsod na ito sa Bulacan.

Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Herminigildo Estonillo, biyudo, ng Brgy. Loma de Gato, Marilao, Bulacan habang nasa mga kamay na ng pulisya ang mga suspek na sina Russel Foronda, 36; Jimmy Hinugin, 43; Jenny Chavez, 43; Madel Adalla, 41; Rowena Rimaldo, 51, at Raquel Dela Cruz, 46.  Samantala, nakatakas ang iba pang suspek na sina alyas Putot at Inday.

Sa ulat ng SJDM Police Station kay Bulacan Police Director PCol. Relly Arnedo, naganap ang insidente bandang alas-5:25 ng hapon noong Hunyo 21 sa Kelsey Hills Subd. Brgy. Muzon. Habang naglalakad ang biktima nang sapilitang isakay ng mga suspek sa itim na Mitsubishi Adventure saka binugbog sa loob ng sasakyan.

Sa panlalaban ng biktma, nagawa nitong makatakas at makahingi ng tulong sa isang duty security guard.

Dinala ang biktima sa kalapit na hospital ngunit namatay din.

Nagsagawa agad ng hot pursuit operation ang pulisya laban sa mga suspek at nahuli ang anim at narekober sa kanila ang mga dinambong na mga alahas na nagkakahalaga ng P320,000 at P21,000 cash at nakuha din sa kanila ang cal. 38 na may na apat na bala at improvised handgun (sumpak) na may apat na balang 12 gauge.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.