73 anyos na lolong Most Wanted, arestado ng Laguna PNP

0
798

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto ng Pangil Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lt. Berlin I. Allan, Acting Chief of Police, ang akusado na si Antonio F. Gade alyas Tatay, 73 anyos, sa isang manhunt operation noong Marso 14 sa kanyang tirahan sa Brgy. Sulib, Pangil, Laguna sa bisa ng warrant of arrest para na inisyu ng Regional Trial Court 4th Judicial Region Branch 33. Ang akusado na si Gade ay rank no. 7 most wanted person ng Laguna PPO na nasasakdal sa kasong Acts of Lasciviousness.

Gayundin, ang Calamba City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police LtCol. Arnel L Pagulayan, Chief of Police, inaresto si Boyet Baltazar, 58 anyos tricycle driver, sa Brgy. Real, Calamba City sa bisa ng warrant of arrest para sa sexual assault na ginawa sa isang menor de edad na inisyu noong Marso 1, 2022 ni Family Court Br. 8, Calamba City, Laguna. Ang akusado na si Baltazar ay rank no. 9 most wanted person ng Laguna PPO.

Pansamantalang nakakulong sa custodial facility ng istasyon ng pulisya ang mga naarestong wanted person habang ipaalam sa pinanggalingan ng korte ang pagkaka-aresto sa kanila, ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, Police Col. Rogarth B. Campo reported to CALABARZON Regional Director, Police BGen Antonio C. Yarra.

“I commend the police officers of Calamba and Pangil for this successful operation. We will continue to intensify these operations to arrest more wanted persons in accordance to the directive of Regional Director of PRO CALABARZON, PBGen Antonio Candido Yarra,” ayon sa mensahe ni Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.