73 anyos na akusadong rapist, dinakip ng Mimaropa PNP

0
449

Arestado ang 73 anyos na akusado sa kasong rape na rank 4 sa Most Wanted sa Calabarzon.

Si Luis Escala Mendoza, alyas “Paniki,” 73 anyos at tubong Barangay Leuteboro I, Socorro, Oriental Mindoro, ay dinakip sa Brgy. Apar, Lobo, Batangas sa ilalim ng isang joint law enforcement operation na pinangunahan ni ang mga elemento ng Lobo MPS kasama ang Socorro MPS.

Si Mendoza ay inaresto noong Marso 25, sa bisa ng warrant of arrest hinggil sa krimeng panggagahasa kaugnay ng R.A. 7610 na walang rekomendasyon sa piyansa.

Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Lobo police at isasauli sa court of origin para sa kaukulang disposisyon, ayon sa report na ipinadala kay PBGEN Sidney Sultan S. Hernia, direktor ng Camp BGen Efigencio C Navarro, Calapan City, Oriental Mindoro-Police Regional Office MIMAROPA.“Once again, congratulations to the efforts of our field units for the successful arrests of these wanted persons. Let us unceasingly enforce the law and place all lawless elements behind bars” ayon kay PBGen Hernia.

Batay sa mga rekord ng Regional Investigative and Detective Management Division (RIDMD) \mula Enero 1 – Marso 24, 2022, ang PRO MIMAROPA ay nakaaresto ng kabuuang 121 na Most Wanted Persons (MWPs) na mas mataas ng 31.52 porsyento mula sa 92 na naarestong MWP. noong nakaraang taon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.