76 anyos na lolo, arestado sa kasong rape

0
1315

San Pablo City, Laguna. Inaresto sa lungsod na ito ang isang 76 anyos na lolo na pangalawa sa listahan ng Most Wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang limang taong gulang na batang babae.

Ang akusadong nadakip ay kinilala ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo na si Romeo Adap Torres, 76 anyos na residente ng  Brgy I-B, sa nabanggit na lungsod.

Si Torres ay dinakip ng mga tauhan ng San Pablo City Police Station (CPS) sa isang manhunt operations na ikinasa ng hepe nito na si PLTCOL Garry C. Alegre sa bisa ng warrant of arrest na iniisyu ng Family Court, Branch 7 sa San Pablo City, Laguna.

“I commend our personnel in San Pablo City for the immediate arrest of the accused. We will continue with our sworn duties to ensure that all criminals shall be put in jail,” ayon sa mensahe ni Campo.

Nakapiit ngayon sa San Pablo CPS ang akusado at nakatakdang humarap sa kasong rape na isinampa laban sa kanya, ayon sa report ni Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Antonio C. Yarra.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.