778 loose firearms nakumpiska ng PNP sa Calabarzon; 69 suspek kinasuhan

0
145

CALAMBA CITY, Laguna. Nasamsam ng mga tauhan ng Police Regional Office Philippine-Calabarzon ang 778 na loose firearms sa magkakasunod na police operations na isinagawa sa buong rehiyon nitong nagdaang linggo.

Ayon sa ulat ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, hepe ng Calabarzon police, nanguna ang PNP Region 4A Intelligence unit sa pagsasagawa ng mga operasyon, kung saan nakuha ang 778 na piraso ng iba’t-ibang uri at kalibreng baril. Kabilang dito ang mga high-powered firearms tulad ng mga Uzi sub machine gu, submachine guns, armalite, beretta pistol, 9mm, cal.45, cal.357, cal.38, at mahigit 500 improvised shotguns, double barrel, at de bombang baril.

Sa isinagawang press conference sa Camp Vicente Lim, ipinakita ng kapulisan ang mga nakumpiskang baril, kasama ang mahigit na 200 armas na kusang isinurender ng mga may-ari dahil sa pag-expire ng kanilang permit.

Ayon kay Police Col. Vic Cabatingan, hepe ng Region 4A Intelligence, kalahati ng kabuuang bilang ng mga baril ay maaaring makuha pa ng mga may-ari sa pamamagitan ng pagkuha ng bagong permit mula sa PNP Firearms and Explosive Unit sa Camp Crame.

“Mahalaga ang pagsusumite ng tamang dokumento upang maging legal ang pag-aari ng baril,” pahayag ni Police Col. Cabatingan.

Sa ngayon, ang mga nakumpiskang baril at armas ay pansamantalang nasa kustodiya ng PNP Region 4, habang ang 169 katao na kabilang sa mga suspect ay naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa batas ukol sa pagmamay-ari ng ilegal na armas.

Ipinahayag ni Police Brigadier General Lucas na patuloy ang pagsusuri at pagsasagawa ng mga operasyon ng PNP upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan sa rehiyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.