780K na Pfizer vaxx para sa 5 to 11 age group, dumating na sa PH kagabi

0
167

Dumating na sa bansa kagabi ang 780,000 dosis ng Pfizer’s COVID-19 vaccine para sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Ang mga bakuna na binili ng gobyerno sa pamamagitan ng World Bank ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bandang 9:40 kagabi sakay ng eroplanong Air Hongkong, ayon sa National Task Force laban sa COVID-19.

Tiniyak ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na ang reformulated vaccine laban sa coronavirus disease 2019 ay ligtas para sa mga bata. Ilulunsad ang vaccination program para sa lima hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 7, ayon sa kanya.

“This is safe and has been studied by scientists across the globe,” ayon kay Galvez noong dumating ang 780,000 doses of Pfizer para sa mga bata sa  Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.